-- Advertisements --

Nakatakdang dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa online meeting ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa darating na Biyernes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong virtual ang APEC Economic Leaders’ Meeting.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kabilang sa inaasahang ilulunsad sa nasabing meeting ang mga bagong mithiin at planong gagabay sa 21 Pacific Rim economies sa mga susunod na taon.

Noong nakaraang linggo, virtual din ang 37th Association of Southeast Nations (ASEAN) Summit and Related Summits na dinaluhan ni Pangulong Duterte.