-- Advertisements --

VIGAN CITY – Pinagpapaliwanag ng ilang opposition congressmen si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pinaniniwalaang nag-leak na direktiba nito para sa ikalawang bansada ng dagdag na sahod para sa mga sundalo at iba pang uniformed personnel.

Sa impormasyong ipinadala sa Bombo Radyo Vigan ni ACT Teachers’ Partylist Rep. France Castro, sinabi nito na dapat umanong magpaliwanag ang pangulo hinggil sa nasabing direktiba kung saan ipinag-uutos nito na bago matapos ang kaniyang termino sa 2022 ay naipatupad na ang ikalawang tranche ng dagdag-sahod sa mga sundalo at unipormadong kawani ng gobiyerno.

Nagrereklamo si Castro dahil ilang beses na umanong mabibigyan ng salary hike ang mga sundalo at iba pang uniformed personnel ngunit sa mga guro at iba pang empleyado ng gobiyerno ay kaunti lamang ang idinagdag sa kanilang sahod at hinati pa sa apat na tranches.

Kasabay nito, muling iginiit ni Castro na patuloy na ilalaban nila ang nararapat na sahod sa lahat ng mga public school teachers at iba pang empleyado ng gobiyerno sa buong Pilipinas.