-- Advertisements --

Wala umanong magbabago sa estilo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa madalas niyang public appearance at speaking engagements kada linggo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi babaguhin ang schedule ni Pangulong Duterte sa kabila ng umano’y banta sa kanyang buhay.

Nabatid na kahapon, nagpaliwanag ang Presidential Security Group (PSG) sa paglalagay nila ng bullet proof glass sa harap ni Pangulong Duterte noong dumalo ito sa campaign rally noong Martes sa Malabon City.

Ayon kay PSG commander B/Gen. Jose Eriel Niembra, ang mandato ng PSG ay protektahan ang pangulo sa lahat ng oras, mayroon man o walang banta sa kanyang buhay.

Sa bawat lugar na pinupuntahan ni Pangulong Duterte, sinusuri ng PSG ang lugar para mailatag ang kinakailangang security measures.

Nagdesisyon ang PSG na ilagay ang bullet-proof glass sa presidential podium dahil open area.

Kinikilala naman ng PSG na nais ni Pangulong Duterte na makalapit sa tao pero kailangan daw balansehin ito sa kanyang seguridad.

Sa kanyang talumpati, inihayag din ni Pangulong Duterte na hindi niya kontrolado ang mga habkbang ng kanyang PSG.