-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Hindi matutuloy si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpunta sa isla ng Boracay sa Oktubre 26 sa unang anibersaryo ng muling pagbubukas nito matapos isailalim sa anim na buwang paglilinis at rehabilitasyon.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo ni Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group General Manager Natividad Berdandino.

Aniya, sa halip na Oktubre 26 ay inaasahang sa Nobyembre 5 ito darating upang pangunahan ang pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Awards (CLOAs).

Nabatid na noong nakaraang taon ay sinimulan ng Pangulo ang pamamahagi ng ilang porsyon ng Boracay sa mga miyembro ng Boracay Ati Tribal Organization (BATO) at Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) pagkatapos na ibalik sa dating kagandahan ng isla dahil sa overdevelopment.