-- Advertisements --
Inianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala na siyang balak magtalaga ng permanenteng kalihim na mamumuno sa Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ni Pangulong Duterte, tatayong officer-in-charge si Janet Abuel hangga’t matapos ang kanyang termino.
Kung maaalala, itinalaga ni Pangulong Duterte si Abuel sa naturang posisyon matapos niyang ilipat ni Sec. Benjamin Diokno sa Bangko Sentral ng Pilipinas bilang governor.
Inihayag din ni Pangulong Duterte na maski anong problema ng gobyerno, ang magdedesisyon sa budget ay si Abuel sa DBM.