-- Advertisements --

Hindi umano nakonsulta si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pasya ng Department of National Defense (DND) na tapusin na ang kasunduan nito sa University of the Philippines kaugnay sa pagpasok ng militar at pulisya sa kampus.

Ayon kay Presidential pokesperson Harry Roque, tanging ang DND lamang daw ang naglabas ng naturang kautusan bilang sila naman ang may nilagdaang kontrata sa UP.

Sa kabila nito, inihayag ni Roque na suportado ng Pangulong Duterte ang pagbasura sa UP-DND accord.

Una rito, sa liham nito kay UP President Danilo Concepcion, sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na ang 1989 agreement ay sagabal umano sa counterinsurgency operations laban sa mga komunistang rebelde.

Tugon naman ni Concepcion, “unnecessary and unwarranted” ang hakbang na ito ng defense department, at hiniling din nito sa kalihim na irekonsidera ang naturang desisyon.