-- Advertisements --

Bukas umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa anumang imbestigasyon sa kanyang mga ginastos sa kanyang kampanya noong 2016 presidential elections.

Tugon ito ng Malacañang makaraang hiniling ng poll watchdog na Kontra Daya ang Commission on Elections (Comelec) na busisiin ang naging paggastos ng Pangulo noong halalan.

Ayon kasi sa grupo, nalantad sa nakalipas na Senate hearing tungol sa franchise renewal ng ABS-CBN na gumastos ng nasa P175-milyon ang kampo ng Presidente sa advertisements doon lamang sa naturang network.

Ngunit sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang nilalabag na batas ang Pangulong Duterte, lalo na ang tungkol sa campaign spending limit.

“Hindi ba when you’re running for any position, there are friends and supporters who contribute, who pay for your advertisements if they like you,” wika ni Panelo.

“Ah wala. Definitely. Eh number one nga siyang (He is the number one) against violators eh, how can he violate the law,” dagdag nito.

“The President is always open, di ba? Every time he’s being accused, eh di magdemanda kayo kung totoo yung sinasabi ninyo,” ani Panelo. “Basta he has not violated any law and he will not. He enforces the law.”

Nasa P371-milyon ang kabuuang halaga ng idineklarang gastos ng pangulo noong eleksyon, sang-ayon sa isinumite nitong dokumento sa Comelec.