-- Advertisements --

Dumipensa ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtataas nito ng sahod sa mga militar at pulis.

Sa kanyang talumpati sa 60th founding anniversary ng Cor Jesu College, sinabi ng Pangulong Duterte na nakatatanggap siya ng mga reklamo hinggil sa naturang isyu gayong hindi pa natutupad ang dagdag-sahod sa mga guro.

Ayon sa pangulo, kailangan ng bansa ngayon ng mga sundalo at pulis para mapanatili ang kapayapaan.

Hindi rin aniya natatakot ang mga ito na magbuwis ng buhay para lamang maipagtanggol ang mga Pilipino.

Bunsod nito, karapat-dapat lamang umano na makatanggap ang sundalo at pulis ng magandang kumpensasyon para sa kanilang serbisyo sa bayan.

“I’ve been hearing a lot of complaints bakit ‘yong sa mga pulis doblado. Bakit sa maestra hindi pa. This country is a troubled land. I need soldiers and policemen, who are not afraid to die,” wika ni Duterte.