-- Advertisements --
duterte gestures
President Duterte

Nilinis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pangalan sa ginagawang pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sa kaniyang national address nitong Biyernes, Abril 3, sinabi ng pangulo na minsan lamang niyang pinasaringan si Sotto noong nagdeklara siya ng state of emergency kung ano ang dapat na gawin.

Wala na rin itong pakialam sa ginagawang operasyon ng NBI.
Tiwala ito na alam ng NBI ang kanilang ginagawa dahil karamihan sa kanila aniya ay mga abogado.

Magugunitang iniimbestigahan ng NBI si Sotto dahil sa paglabag aniya sa Bayanihan Act kung saan pinayagan nitong makapagbiyahe ang mga tricycle sa kaniyang lugar.