-- Advertisements --

Maraming mga Filipino ang hindi sang-ayon sa Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential elections.

Sinabi ni 1 Sambayan convenor Atty. Howard Calleja na isang insulto umano sa mga tao ang isinusulong na pagtakbo ng mag-amang Davao City Mayor Sara Duterte bilang pangulo at Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise presidente sa 2022 elections.

Isa aniya itong pagkutya at pambabastos sa taumbayan.

Magugunitang maraming mga mamamyan ang naniniwalang tatakbo sa pagkapangulo ang Davao City mayor bilang pangulo kung saan magiging tandem nito ang ama na si Pangulong Duterte.