-- Advertisements --

Hindi inaalis ni Senator Nancy Binay ang posibilidad na magkaroon ng Duterte-Duterte tandem sa 2022 elections.

Kasunod ito sa pinapalutang ng ilang pulitiko na tatakbong bise president si Pangulong Rodrigo Duterte samantalang pangulo naman ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Senator Binay na ibang usapin na rin ang tsansa na mananalo ang nabanggit na tandem.

Ipapaubaya na lamang aniya ito sa mga botante at ang mahalaga aniya ay ang pagkakaroon ng malinis at walang dayaan na halalan.