Hindi na dapat suportahan ng mga Pilipino sa paparating na eleksyon ang mga personalidad mula sa nakaraang administrasyon upang maprotektahan ang bansa laban sa kontrol ng dayuhan, iligal na droga, POGO, criminal syndicates, katiwalian at pang aabuso sa kapangyarihan.
Nagbabala si Zambales Rep. Jay Khonghun na ang pagpayag na muling makontrol nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Vice President Sara Duterte ang politika ng bansa pagkatapos ng 2025 ay muling bubuhay sa mga kapalpakan ng nakaraang administrasyon tulad ng impluwensya ng China sa ating katubigan, state-sponsored killings, iligal na operasyon ng POGO at malawakang korapsyon sa pamahalaan.
Pahihinain pang aniya ng pagbabalik ng tatak Duterte ang soberanya ng Pilipinas at maglalantqd lang muli sa bansa sac kawalaan ng kaayusan at impunidad.
Nagbabala rin siya laban sa paghahalal ng mga senador na maka-Duterte na magreresulta sa muling pananahimik sa ginagawa ng China, na isang pagkakanulo sa bansa.
Nanawagan din si Khonghun sa mga Pilipino na alalahanin ang mga ilegal na aktibidad at pang-aabuso na talamak sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.
Tinukoy din ni Khonghun ang ilan sa mga kapalpakan ng administrasyong Duterte.
Binuweltahan din ni Khonghun si VP Duterte, at sinabi na ang kinakaharap nitong impeachment case ay isang mahalagang pagsubok sa bansa kung papanagutin ang pamilya Duterte sa kanilang mga ginawang pang-aabuso.
Binigyang-diin din niya na ang paparating na halalan ang magdedetermina kung papayagan ng mga Pilipino ang pagbabalik ng isang gobyernong may bahid ng korapsyon, extrajudicial killings, at pananahimik sa ginagawang panghihimasok ng mga dayuhan.