Kinontra ng lider ng mga party-list sa Kamara ang pahayag ng ilang kongresista laban sa kapangyarihan ng endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na House Speaker.
Sa isang panayam sinabi ni 1-Pacman Rep. Mikee Romero, na siyang presidente ng Party-list Coalition Foundation Inc., na pinaka-malaking criteria pa rin sa pagpili ng lider ng Lower House sa 18th Congress ang basbas na galing sa pangulo.
Pero sa kabila nito, nilinaw ng pinaka-mayamang kongresista ngayong 17th Congress na hindi magiging rubber stamp ng administrasyon ang Kamara kahit mismong pangulo pa ang pumili sa lider ng susunod na Kongreso.
Ayon naman kay Ako-Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., bagamat hawak ng Party-list Coalition ang pangalawa sa may pinaka-malaking bilang ng voting public sa Lower House ay wala pa silang napagkakasunduan na iboto bilang iisang pwersa.
“The 50 Party-list members in the coalition pledged to vote as one. We will vote as a bloc, and we consider it (that) we are the biggest voting public in the Congress. So hanggang doon lang kami ngayon. Wala pa kaming napipisil kung sino ang aming speaker. But we’re able to achieve to forward to them the concern on the parties. They all agreed na dapat bigyan ng equal representation yung parties,” ani Garbin.
Nauna ng dumistansya ang pangulo sa issue ng speakership, gayundin ang anak nito na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Gayunpaman, inamin ng Makabayan congressmen na may ilang tumatakbo sa pagka-speaker ang naghain na sa kanila ng mga plataporma kapalit boto pagpasok ng 18th Congress.