TACLOBAN CITY – Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong nasugatan sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA) sa Brgy. Pinanag-an, Borongan City, Eastern Samar.
Partikular na pinuntahan ng Pangulo kahapon ang pitong sugatan na sundalo at isang pulis na naka-confine sa isang ospital sa Tacloban.
Binigyang pagkilala ni Presidente Duterte ang mga sugatang security forces ng Order of Lapu-Lapu na may Rank of Kampilan kasama na sina Sgt. Kenneth John Arcina, Cpl. Linlito Donayre; Pfc. Albert Abegonia; Pvt. Darwin Aborquez; Pvt. Joshua Pacuan; Cpl. Aljon Aguilos; Pfc. Rex Batis Jr. at Patrolman Jomar Aballe.
Ang Order of Lapu-Lapu na may Kampilan Rank medal ay ibinibigay sa mga tauhan ng gobyerno o pribadong indibidwal na malubhang nasugatan dahil sa pakikipaglaban o resulta ng partisipasyon sa mga aktibidad na isinusulong ng presidente.
Napag-alaman naman na ipinagpaliban ni Duterte ang nakatakda sana nitong pagbisita sa mga magsasaka nang Cotabato City.
Nakiramay naman ang Presidente sa mga naiwang pamilya nag anim na sundalo na namatay sa engkwentro na sa ngayon ay nakaburol sa Camp General Vicente Lukban, Catbalogan City, Samar.
Nagbigay naman nang pangunang tulong P5,000 ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga sugatang sundalo samantala P10,000 para naman sa pamilya han mga namatay.
Maliban dito nagpaabot din nang medical aid and family food packs ang gobyerno at patuloy ang pag asikaso para sa iba pang assistance na pwedeng bigay nang gobyerno.