-- Advertisements --

BANGKOK – Magsisimula na mamayang hapon ang mga serye ng pagpupulong na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ika-34 ASEAN Leaders’ Summit sa Bangkok, Thailand.

Una sa aktibidad ni Pangulong Duterte ang pagharap sa mga CEOs ng mga nangungunang Thailand Business Groups bandang 2:30 ng hapon na sundan ng ASEAN Leaders’ Interface with representatives of ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA).

Bandang 3:50 ng hapon ang pagdalo sa ASEAN Leaders’ Interface sa mga kinatawan ng ASEAN Youth habang 4:20 naman ang ASEAN Leaders’ Interface with ASEAN Business Advisory Council.

Alas 5 naman ang 34th ASEAN Leaders’ Plenary Summit kung saan magkakaharap ang mga 10 lider ng mga kasapi ng ASEAN.

May gala dinner ang mga ASEAN Leaders bandang alas 7 ng gabi at sundan ng bilateral meeting ni Pangulong Duterte kay Indonesian President Joko Widodo.