Nakatakdang haharapin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang empleyado at opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa korupsyon.
Sinabi ng source na malapit kay Pangulong Duterte, ipinatawag ng chief executive ang mga mayroong administrative cases sa BOC.
Una nang sinabi noon ni Pangulong Duterte na tinanggal muna niya sa puwesto ang 64 na BOC employees at officials dahil sa alegasyon ng korupsyon at illegal drugs smuggling.
Ayon kay Pangulong Duterte noon, ipapatawag niya ang mga ito sa MalacaƱang at ilalagay sa floating status.
Nabanggit pa ni Pangulong Duterte na paglilinisin niya ang mga ito ng water lilies sa Ilog Pasig.
Nilinaw naman ng pangulo na hindi pa sila tuluyang sibak sa puwesto dahil bibigyan pa rin sila ng pagkakataon na sagutin ang mga akusasyon bilang bahagi ng due process.