-- Advertisements --

Handang dumalo muli si dating Pangulong Rodrigo Duterte kapag ipapatawag siya muli ng Quad Committee ng House of Representatives.

Sinabi nito, na ito sa kondisyon na dapat sagutin ng mga mambabatas ang kaniyang pamasahe patungo sa Kamara.

Naniniwala din ito na gagayahin siya ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte na dumalo rin sa pagdinig ukol sa kuwestiyonableng pondo niya.

Magugunitang itinakda sa darating na Nobyembre 21 ang susunod na pagdinig ng Quad Committee ukol sa drug on war.