-- Advertisements --
President Rodrigo Duterte
President Duterte/ FB image

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nagdadalawang-isip pa siya kung papayagan ang muling paggamit ng Dengvaxia vaccines pero sinabi nito na kung mapapatuyan namang makapagliligtas ito ng buhay ay bukas siyang ikonsidera ang paggamit nito.

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Duterte na kasunod ng pagdedeklara na ng Department of Health (DOH) na national epidemic ang dengue, mas makikinig siya sa siyensya.

Gayunman, nilinaw ni Pangulong Duterte na pakikinggan muna nito ang opinyon ng mga eksperto kaugnay ito.

Inihayag ni Pangulong Duterte na hindi siya makikinig sa mga foreign experts lalo’t marami namang mga matatalinong Filipino doktors at scientist dito na makakatulong sa pagbibigay impormasyon at linaw sa usaping ito at makikinig siya sa mga ito.

“Yes, that’s why I’m in a quandary whether to allow Dengvaxia or not,” wika ni Pangulong Duterte.

“Ako, I’d rather go on the side of science. If nobody would believe me, still I would say that if there is anything there in the Western medicine and even itong herbal ng mga Oriental if it would man saving people’s lives, I’ll go for it.

“Nakikita ko may epidemic eh, so yung gusto magpabuka. Kasi yung anak ko, dumaan ng vaccine eh. She had a vaccination

“Hindi ko pa nga malaman, I have to hear… yes, I am open to the use of Dengvaxia again. Maraming patay na, it’s an epidemic. Now compare it vis-à-vis with those who died, I want to hear the words of the experts, doctors. And we have enough bright people here to tell us. I do not need foreigners to tell me, my own Filipino scientists and doctors would tell me what to do. I will be guided by their announcements.”