-- Advertisements --

Handang pumirma ng waiver para ipakita ang laman ng kaniyang bangko si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nito na kung pipirma siya ay dapat ay lahat ay pumirma sa mga tao na kaniyang ituturo.

Inamin niya na ang mga tao na ipinapatawag sa pagdinig ay tila inaapi subalit minaliit lamang niya ito dahil sanay na ito.

Ipinaliwanag din ng dating pangulo ang kaniyang mga inasal sa pagdinig ay normal lamang ito sa kaniyang ugali na dapat ay intindihin ng mga mambabatas.

Magugunitang pinuna ng ilang mambabatas ang dating pangulo dahil sa labis na pagmumura nito at pagsalita ng mga masasamang salita.