-- Advertisements --
President Rodrigo Duterte/ Photo courtesy of PCOO

KORONADAL CITY – Hinihiling sa ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang pagsusulong ng “political empowerment” sa lahat ng sektor na sakop ng Bangsamoro territory.

Ito ang naging mensahe ni Pangulong Duterte sa isinagawang symbolic inauguration ng BARRM sa Shariff Kabunsuan Complex nitong Biyernes.

Ayon sa Pangulo, hindi nito maitago ang labis na kasiyahan dahil tuluyan nang nakamit ng Moro people ang matagal na nitong hangarin, dahilan upang dapat na ipatupad ang empowerment sa pulitika.

“May I just express in front of you my extreme happiness. It gives me the high that we were able to realize at least a part – maybe not all, but a part of what the entire country would have wished for the Moro people of Mindanao,” ani ni Duterte.

Hinihiling din ng Chief Executive ang gabay ni Allah para sa tagumpay ng Bangsamoro Transistion Authority (BTA) officials sa pamamalakad ng bagong tatag na Bangsamoro Region.

Samantala, inihayag din ni Duterte na ipinapanalangin din nito kay Allah na magkaroon ng hiwalay na pag-uusap kay Moro National Liberation Front (MNLF) founding Chairman Nur Misuari upang maiayos na ang hindi pagkaka-intindihan at magkaroon na nang linaw ang isyu sa isinusulong na pederalismo ng grupo.

“Maybe, in due time, with the prayers to our Allah that we’d able to fix also the western part and I hope to talk to our brother Nur Misuari on the western side,” ani Duterte.

Sa ngayon, umaasa din ang pangulo na sa pagtatag ng BARMM, mabibigyan na ng sagot ang inhustisya sa rehiyon at pagtatag ng mas maunlad at mapayapang Mindanao.