-- Advertisements --
Wala pang natatanggap na communications mula sa International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagsasagawa kasi ang ICC ng imbestigasyon ukol sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Sinabi nito na wala itong interest na kausapin ang ICC at hindi rin niya alam kung maging si Senador Bong Go ay nasulatan na rin ng ICC dahil sa hindi na niya ito kasama.
Una rito sa ginawang pagdinig ng Quad Committee ay handa itong magpakulong sa ICC.