-- Advertisements --

Hindi na dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa gala dinner ng Belt and Road Forum sa Beijing matapos magka-migraine.

President Duterte

Ito mismo ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa nagpapatuloy na forum na dinadaluhan ng iba’t-ibang lider ng bansa.

Ang nasabing gala dinner ay pinangunahan ni Chinese President Xi Jinping na ginanap sa Great Hall of the People.

Bago aniya sa hindi pagdalo ng pangulo ay sinaksihan nito ang pagpirma ng 19 na trade and investment deals sa Grand Hyatt Hotel sa Beijing kung saan nagbigay din ito ng maiksing talumpati.