-- Advertisements --
President Rodrigo Duterte
Pres. Duterte

Bigong makadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa lungsod ng Davao.

Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte, labis ang kapaguran ng Pangulo kaya hindi na ito nakadalo.

Ipinarating naman nito ang balitang nanonood na lamang ang pangulo sa kaniyang bahay sa pamamagitan ng video livestreaming.

Labis naman ang pasasalamat ng alkalde sa mainit pa ring suporta ng kaniyang mga kababayan sa mga kandidato ng administrasyon.