Bigo umanong maayos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi pagkakaunawaan ng mga mambabatas para tuluyang maipasa na ang 2019 national budget.
Sa nasabing pagpupulong ay pumayag na ang Kamara de Representates na umayon na lamang sa P3.757 trillion budget version na aprubado ng bicameral conference committee at naratipikahan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ito ay matapos na panigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador kasunod nang ginanap na pagpupulong kagabi ng mga mambabatas sa Palasyo.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III, nais ng Pangulo na resolbahin na ang anumang hindi pagkakasunduan ng mga mambabatas.
Ibinunyag pa nito na nanindigan ang Pangulo na hindi niya pipirmahan ang national budget kapag hindi rin niya ito pipirmahan.
Malaki naman ang paniwala ng Presidente at mga miyembro ng executive department na tila hindi na komontra ang House of Representatives pero kanila muna itong mahigpit na oobserbahan.
Dumalo sa nasabing meeting sina Sotto, Senator Panfilo Lacson, Senate Committee on Finance chairperson Loren Legarda, Sen. Gregorio Honasan, Senator Juan Miguel Zubiri, Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, House Committee on Appropriations chairman Rolando Andaya, Majority Leader Fredenil Castro at San Juan Rep. Ronaldo Zamora.
Ayon naman kay Zubiri, hiniling ni Pangulong Duterte na ipasa na ang budget para hindi maapektuhan ang mga programa ng gobyerno.
Dagdag pa nito, ipinagpatuloy pa rin nila ang pagpupulong kahit na umalis na ang chief exectuive.
Magugunitang noong Pebrero ay naratipikahan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang version ng budget na inaprubahan ng bicameral panel pero ang House of Representatives ay inaming may mga isiningit na pondo para sa mga ilang mambabatas.