-- Advertisements --

Nilinaw ng Malacañang na hindi isinasantabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusulong ng Federalismo kahit hindi nito nabanggit sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA).

Sa post-SONA press conference, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na walang pondo ng bayan na nasayang sa federalism campaign dahil nagpapatuloy ang konsultasyon at pag-uusap kaugnay ng usapin.

Ayon kay Sec. Nograles, isa rin ang Federalismo sa mga isyung maaaring talakayin ng Constitutional Amendments Committee sa Senado at Kamara kaya hindi nakagugulat kung uusad ito sa ilalim ng liderato ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Kung maaalala, pinaigting ng Department of the Interior and Local Government ang Federalism campaign nito sa pangunguna ni Inter-Agency Task Force on the Federalism and Constitutional Reform at Interior Sec. Eduardo Año.