-- Advertisements --
Duterte podium seal

Hindi sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang pagbabawal ng mga flights patungo at papuntang China na apektado ng novel coronavirus.

Sinabi ng Pangulo na wala pang impormasyon na ang nasabing virus ay naililipat sa pamamagitan ng human to human transmission.

Hindi rin aniya tama na suspendihin ang flights dahil hindi naman nila sinuspendi ang kanilang flights papunta sa ating bansa.

Nauna nang sinuspendi ng aviation office ng bansa ang lahat ng direct flights patungo at manggagaling sa Wuhan, China ang lugar kung saan galing ang virus.

Ang paliparan sa Kalibo, Aklana ang kabilang sa may direct flight patungong Wuhan.