-- Advertisements --
Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang India na ikonsidera ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, na isinagawa ng pangulo ang panawagan sa 16th ASEAN-India Summit sa IMPACT exhibition sa Bangkok, Thailand.
Ang RCEP ay inilunsad noong 2012 na layon nito ay magkaroong free trade agreement sa 10 ASEAN members at anim na dialouge partners gaya ng Australia, China, India, Japan, New Zealand at South Korea.
Naaantala ang pagpapatupad nito dahil sa pagkontra ng India.
Pinangangambahan kasi ng India na kapag naaprubahan ang nasabing kasunduan ay babaha ng mga Chinese products sa kanilang bansa.