-- Advertisements --
gretchen barreto duterte
President Duterte condoles with Barreto family (photo grab from the twitter of Claudine @itsmeclaudineb)

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magkakapatid na sina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto na magkaayos na.

Ito ay kasunod na nagkaroon ng alitan na nagbunsod sa pananakit ng magkapatid sa isa’t isa.

Naganap ang nasabing komprontasyon sa burol ng ama ng mga Barretto kung saan isa ang Pangulo na dumalaw at nakasaksi sa nasabing alitan nitong nakalipas na Miyerkules ng gabi.

Magugunitang hindi naging maayos ang pakikisama ni Gretchen sa mga magulang kaya nang ito ay dumalaw ay bigla na lamang ikinagalit ng kapatid nitong si Marjorie.

Kinampihan naman ni Claudine si Gretchen kaya nagkaroon din ng pisikal na pananakit ito kay Marjorie.