-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring iveto nito ang buong 2019 national budget sa tuwing mapatunayang ito ay unconstitutional.

President Rodrigo Roa Duterte

Una nang sinabi ng Malakanyang na iniurong ng pangulo ang paglagda sa P3.75 trilyong pondo ngayong taon, sa kabila ng unang sinabi na isasagawa ang ceremonial signing sa Abril 15.

Dahil dito, inaasahang isasagawa ang signing pagkatapos ng Holy Week.

Sa speech ni Duterte sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City Huwebes ng gabi, sinabi nitong pinag-aaralan pa ang proposed budget na bago lang naisumite ng Kongreso sa Malakanyang at kanya itong lalagdaan pagbalik sa Metro Manila matapos pag-aralan ng legal team.

Ayon kay Duterte, hindi siya magdadalawang-isip na iveto nalang ang buong General Appropriations Bill kung ito ay unconstitutional.

Maalala aniyang hindi magkasundo ang Senado at ang Kamara sa bersiyon ng proposed budget dahil sa akusasyon ng mga insertions na nagpa-delay sa deliberasyon.

Kasunod nito, nagbanta ang mga economic managers na babagal ang economic growth ng bansa kung magpapatuloy ang paggamit na re-enacted 2018 budget.