-- Advertisements --

Pinaplano umano ni Pangulong Rodrigo Dutete na isiwalat ang pangalan ng mga ninja cops na dawit sa iligal na kalakalan ng droga sa oras na makabalik ito mula sa kaniyang pagbisita sa Russia.

Ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go, hawak na umano ng pangulo ang listahan ng mga nasabing ninja cops at naghihintay na lamang daw ito ng tamang panahon kung kailan ilalabas.

Nakatakdang makipagkita ang pangulo ng Pilipinas kay Russian President Vladimir Putin kasabay nang pagbisita nito sa Russia.

Una nang nagbabala ang pangulo na mamamatay muna ang mga ninja cops na sangkot sa iligal na pagre-recycle ng droga.

Sinabi naman ni Sen. Richard Gordon na aasahan dinang pagbubulgar ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang listahan ng mga opisyal na una na niyang inilabas noon sa executive session sa Senado.

Lahat ng kapulisan na sangkot sa naturang kontrobersiya ay haharap sa Senado sa darating na Martes.