Tahasang binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansang Iceland na siyang naghain ng resolusyon sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) para imbestigahan ang umano’y extra-judicial killings sa bansa kaugnay sa anti-drug war ng Duterte administration.
Sa kanyang talumpati kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi nauunawaan ng Iceland ang problema ng Pilipinas sa iligal na droga, maging sa aspetong social, economic at political.
Ayon kay Pangulong Duterte, walang problema sa krimen ang Iceland at tanging pino-problema ay sobrang ice o yelo kaya wala silang isyu ng peace and order.
Una ng tiniyak ni Pangulong Duterte na pag-aaralan muna niya kung papayagan ang mga UN investigators na makapasok sa bansa para magsagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyong extra-judicial killings.
“Ano ang problema ng Iceland? Ice lang. That’s your problem. You have too much ice and there is no clear day or night there. Parang alas kwatro ng hapon ang araw pati gabi,” ani Pangulong Duterte.