-- Advertisements --
duterte Xi Jinping china

Kinumpirma ng Malacañang na nakatakda nang i-invoke ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese Pres. Xi Jinping ang arbitral ruling sa kanyang muling pagbisita sa China ngayong buwan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang tiniyak ni Pangulong Duterte sa meeting ng gabinete sa Malacañang kagabi.

Ayon kay Sec. Panelo, inihayag na noon ni Pangulong Duterte na darating ang panahong igigiit nito kay Xi ang arbitral ruling kung saan panalo ang kaso ng Pilipinas laban sa claim ng China sa West Philippine Sea at ito na ang tamang panahon.

Seryoso aniya rito si Pangulong Duterte para matapos at maresolba na ang lahat ng isyu sa China.