Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya sinabing pumapabor siya sa kontrobersyal na kumpanyang Pharmally Pharmaceutical Corp.
Ito ay sa gitna ng inilunsad na imbestigasyon ni Senador Richard Gordon laban sa naturang ma-anomalyang pharmaceutical company.
Sa panayam kay Secretary Martin Andanar ay binigyang-diin ng pangulo na wala siyang sinabi na “in favor” siya sa Pharmally at iginiit na nakikiusap lamang siya sa mga senador na ilayo sa mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee sina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez, Jr. dahil hindi aniya dapat sayangin ng mga senado ang oras nina Duque at Galvez dahil kritikal aniya ang kanilang mga trabaho noong panahon na iyon.
Nilinaw din ng presidente na wala itong sinusuportahan na sinumang personalidad na sangkot sa Pharmally.
Magugunita na noong Oktubre ay naglabas ng memo si Pangulong Duterte na nagbbawal sa mga opisyal ng executive department na dumalo sa Senate probe.