-- Advertisements --
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng makabalik sa mas mahigpit na quarantine restrictions ang bansa dahil sa naitalang local transmission ng Delta variant ng COVID-19.
Sa kaniyang weekly address to the nation sinabi nito na nararapat na maging alerto at ang lahat ay ‘wag mabahala.
Gagawin aniya ang nasabing paghihigpit para maiwasan ang mass gathering.
Inihalimbawa nito ang Indonesia na naghigpit na dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Hinikayat nito ang Department of Interior and Local Government (DILG) na agad na magpatupad ng paghihigpit.
Magugunitang naitala ng Department of Health ng 35 Delta variant cases sa bansa.