Inamin ng Malacanang na dalawang oras lamang ang naging tulog ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ang graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 2019 sa Baguio City kahapon, Linggo.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, pinagkaabalahan kasi ng pangulo ang ilang mahahalagang dokumento at pagbasa ng mga report mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Paliwanag ito ng Palasyo nang matanong kung bakit dalawang oras na-late si Pangulong Duterte sa nasabing mahalagang event at sa unang pagkakataon ay ipinaubaya kay Defense Sec. Lorenzana ang pagbibigay ng diploma sa mga PMA graduates.
“He usually sleeps at 6 a.m. He had to wake up at 8:30 a.m. for the PMA graduation rites so he had only two hours of sleep. The event at 9 a.m. was part of his sleeping time. He is a night person. He was so sleepy when he arrived at the venue. He struggled to be awake,†ani Panelo.
“He opted to let SND (Lorenzana) did the handing of certificates. He reserved his energy for the other ceremonial acts he had to perform for the graduation rites,†dagdag nito.
Nabatid na maiksi lang din ang talumpati ng 74-anyos na pangulo kung saan pinayuhan nito ang mga graduating cadets na maging handang mamatay para sa bansa kung kinakailangan.
Pero ayon sa Palace spokesman, “in his usual alert” na si Pangulong Duterte nang magbigay ito ng speech.
Kung maaalala, nagawa namang igawad ni Duterte ang diploma, gayundin ang presidential saber, at certificate of ownership ng house and lot, sa class valedictorian na si Dionne Umalla ng Ilocos Sur.
Habang pinamanahan nito ang last ranking cadet na si Danmark Solomon ng caliber .45 gun, habang ang kanyang relo kay cadet Albert Jalaguit.