GENERAL SANTOS CITY – Inaasahang mabubuksan na sa publiko sa susunod na buwan ng Agosto ang state of the art na GenSan Airport.
Ayon kay GenSan Airport Manager Joel Gavina nasa 96% ng tapos ang passenger terminal building matapos itong isinailalim sa rehabilitasyon.
Inihayag ni Gavina, nakipag-ugnayan na sila sa Palasyo ng Malakanyang upang matiyak ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng paliparan subalit wala pang ensaktong petsa ang ibinigay.
Malaki ang pasalamat ng opisyal sa tulong LGU GenSan, Department of Tourism at Department of Transportation upang mas laloa pang mapaganda ang pasilidad na pinondohan ng gobyerno ng P900 million.
Tiniyak nitong pinaka-best na serbisyo ang maibibigay sa mga pasahero kapag natapos na ang naturang airport na malaki na umano ang pagkakaiba nito kumpara sa dati.