-- Advertisements --
Hindi ikinaila ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay umiinom ng sleeping pills.
Sa kaniyang talumpati sa inaugural ceremony ng mga anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Vice Mayor Sebastian Duterte, sinabi nitong gumagamit siya ng sleeping pill na tinatawag na Stilnox.
Nilinaw nito na ang nasabing gamot ay inireseta ng doktor para sa mapanatili ang tamang tulog at para na rin sa mga hirap makatulog o yung mga may insomia.
Naging maganda ang epekto nito sa kaniya dahil nakakatulog aniya siya ng hanggang anim na oras.
Nauna rito inamin ng pangulo na siya umiinom ng pain reliever na fentanyl matapos na ito ay nagtamo ng injury mula sa pagkakaaksidente sa motor.