Kinumpirma ng Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) sa pagdinig ng Senado na walang red notice mula sa International Criminal Police Organization (Interpol) kundi red diffusion lamang para sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PCTC Executive Director Anthony Alcantara, nag-isyu lamang ang Interpol ng diffusion notice laban kay Duterte.
Ayon sa website ng Interpol, ang mga miyembrong bansa ay maaari ding humiling ng kooperasyon mula sa isa’t isa sa pamamagitan ng ibang mekanismo maliban sa notices na tinatawag na ‘diffusion.’
Ayon pa sa website, ang mga diffusion ay katumbas ng mga notices color-coded system kung saan mayroon red, yellow, black, green, purple at orange diffusions.
Sinabi ni Alcantara, ang dumating sa kanila ay isang red diffusion o isang Wanted Person Diffusion na katumbas ng isang red notice.
Ngunit, pinunto ni Marcos na ang interpol diffusion ay iba mula sa isang notice.
Nanindigan si Alcantara na ang diffusion ay “dumaan sa database ng police organization”
Ipinaliwanag pa niya na may iba’t ibang uri ng diffusion at ang binanggit ni Marcos ay “blue diffusion” na “paghahanap ng impormasyon” lamang.
Ayon sa opisyal, ang diffusion mula sa Interpol ay ipinakalat kaagad sa mga law enforcement agencies dahil sa urgency.
Tinukoy din ni Marcos na ang diffusion ng Interpol ay pahiwatig na ang kahilingan ay ginawa pagkatapos ng prior consultation sa gobyerno ng Pilipinas.
Naghinala ang senadora na may koordinasyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at sa ICC bago ang pagtanggap ng diffusion noong Marso 11.