-- Advertisements --
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Budget Management (DBM) na ilabas na ang pondo ni mula sa Office of the President para maitulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Sinabi ni DBM officer-in-charge Undersecretary Tina Canda na ipapamahagi ng pangulo ang P1-B na pondo mula sa Office of the President sa mga lugar gaya ng region IV-B, 7, 8, 10 at region 13.
Posible bago ang araw ng Pasko ay maido-download na mga Local Government Units (LGU) ang nasabing mga pondo.
Nauna rito personal na binisita ng Pangulo ang mga lugar na sinalanta ng bagyo at nangako nito na maglalaan ng P10-B na pondo para sa rehabilitasyon at recovery efforts sa nasabing mga nasalantang lugar.