Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang government agencies na maglaan sa kanilang pondo para sa paggawa at pagbibigay ng libreng face masks dahil sa nararanasang COVID-19 crisis.
Ang mga ahensiya ay kinabibilangan ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH), Department of Budget and Management (DBM), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Presidential Management Staff (PMS).
Itinalaga ng Palasyo ang DTI na siyang lead agency sa paggawa at pagbili ng mga face masks.
Ang nasabing kautusan ay base na rin sa Memorandum Order 49 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Magtutulongan ang DTI at DBM sa procurement service kasama ang TESDA sa pagbili ng mga face masks na gawa ng TESDA learners.
Ang DOH naman ang siyang bahala sa pagpili ng mga magandang klase na mga face mask para matiyak na ito ay epektibo laban sa COVID-19.