-- Advertisements --
Duterte local executives
President Duterte during a meeting with local chief executives at The Manila Hotel (PCOO file photo)

Inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Coast Guard (PCG) na bantayan ang isla ng Batanes.

Sa kaniyang pagbisita sa nasabing lugar matapos masalanta ito ng malakas na paglindol, sinabi ng Pangulo na dapat magsagawa ng pagpatrolya ang PCG sa lugar para matiyak na mananatili sa bansa ang nasabing isla.

Dagdag ng Pangulo, nagiging talamak na ang agawan ng lupain na sinimulan ng China.

map batanes luzon visayas mindanao

Hindi aniya na dapat araw-arawin ang nasabing pagpapatrolya basta matiyak lamang na walang anumang mang-aagaw sa isla.