-- Advertisements --
Duterte gestures
President Rodrigo Duterte

Ipinag-utos muli ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP at AFP ang “all-out war” laban sa CPP-NPA.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Duterte na magiging “full-scale attack” ang gagawin ng security forces laban sa mga rebeldeng komunista.

Ayon kay Pangulong Duterte, iba ang kanyang “all-out war” order sa naging naunang direktiba ng nagdaang presidente dahil walang humpay at suportado nito ang mga pulis at militar.

Nag-ugat ito sa ginawang pananambang at paglaslas pa ng NPA sa leeg ng pulis sa Negros Oriental.