-- Advertisements --
stadium seag sea games clark bong cayetano
Athletes and officials at New Clark City Athletics Stadium (photo by Bombo Bam Orpilla)

Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y mga naglalabasang aberya sa hosting ng Pilipinas sa Southeast Asian Games (SEA Games).

Sa panayam sa Busan, South Korea, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi maiiwasang mahagip ng imbestigasyon si House speaker at PHISGOC chairman Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Sec. Panelo, hindi natutuwa si Pangulong Duterte sa mga balitang nakakarating sa kanya kabilang na ang mga lumulutang na isyu ng umano’y katiwalian.

Inihayag ni Panelo na Office of the President (OP) ang magsasagawa ng pagsisiyasat at gagawin ito kahit pa umaarangkada na ang SEA Games.

Tiniyak umano ni Pangulong Duterte na mananagot ang dapat na managot sa nangyayaring mga kapalpakan lalo kayang iwasan naman daw kung tutuusin ang mga nangyayaring senaryo.

Lumalabas na hindi umano organisado ang mga hakbang na ginagawa ng organizer sa nasabing malaking palaro sa bahagi ito ng Southeast Asia.