-- Advertisements --

Tinanong mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte si Food and Drugs Administration (FDA) Director General Eric Domingo kung kayang gumamot ng COVID-19 ang Ivermectin.

Sinabi ni Domingo na may tatlong kumpanya na ang humihingi ng product registration para sa sa human-grade ivermectin para gamutin ang mga pasyente na dinapuan n COVID-19.

Subalit hindi nila ito pinayagan dahil wala pang sapat na ebidensiya na nakakagamot ng COVID-19 ang nasabing veterinary drugs.

Paglilinaw pa ni Domingo na pinapayagan lamang ng gobyerno ang remdesivir, Favipiravir at Tocilizumab para sa pagpapagaling ng mga may COVID-19.

Nauna rito binigyan ng FDA ng compasssionate use permit ang isang hospital na gamitin ang anti-parasite drug na ivermectinpara labanan ang COVID-19.