-- Advertisements --

Mahigpit na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP na arestuhin ang mga lumalabag sa hindi pagsusuot ng mga face mask.

Duterte facemask 1

Sa kaniyang national address nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ng pangulo na lahat ng mga hindi magsusuot ng face mask at maging ang hindi tamang pagsusuot nito ay dapat arestuhin ng PNP.

Dagdag pa nito, dapat ikulong at imbestigahan ang mga lalabag kung bakit nila ginagawa ang hindi pagsusuot ng tamang face mask.

Kailangan aniya ito ang gawin dahil hindi na kaya ng gobyerno ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Hindi lamang daw para sa gobyerno ito at sa halip ay para mismo sa mga tao na hindi makahawa sa kapwa.

“Many have died. Many are in hospitals. Experts said the number of infections has gone down. But the hospitals are still full. So, if you really have brains, if you are a thinking human person… That’s not for me. That’s not for us in government. It’s in the interest of the country that you don’t infect others and that you don’t get infected,” wika pa ng pangulo.