-- Advertisements --
Tumanggi muna si Pangulong Rodrigo Duterte na banggitin ang kapalaran ni PNP chief General Oscar Albayalde.
Ito ay kasunod nang pagdawit sa isyu ng ninja cops.
Ayon sa Pangulo, ipapaubaya na niya muna ang desisyon sa imbestigasyon ng Senado.
Nasa kamay din Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang magiging kahihinatnan ng PNP chief bagay na naunang kinumpirma rin ni Sen. Bong Go sa pagdinig kahapon ng Senado.
Ang pahayag ng Presidente ay kanyang ginawa bago mag-take off ang eroplano na kanyang sinakyan kagabi patungo ng Russia.