-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ni Executive Secretary Salvador Medialdea na tanging ang mga Pilipino at may Philippine permanent resident visa ang exempted sa travel ban sa mga biyahero mula China at mga special administrative regions nito.

medialdea duetrte lorenzana

Sa isang statement, kinumpirma ni Medialdea na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa kung paano i-manage ang sitwasyon patungkol sa novel coronavirus.

Kabilang sa mga inirekomindang guidelines na inaprubahan ng Pangulo ay ang pansamantalang pagbabawal sa pagpasok ng sinumang indibidwal, anuman ang nationality nito, maliban na lamang sa mga Filipino citizens at may hawak na Permanent Resident Visa na ibinigay ng pamahalaan, na nanggaling sa China, Hong Kong at Macau sa nakalipas na 14 araw.

Ang mga Pilipino at Permanent Resident Visa holders na galing China at special administrative regions nito ay sasailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Ipinagbabawal na rin sa ngayon ang pagbiyahe ng mga Pilipino papuntang China, Hong Kong at Macau.

Inirekominda rin ng Inter-agency Task Force ang establishment ng repatriation at quarantine facility.

Samantala, tiniyak naman ni Sen. Bong Go na handa ang gobyerno ng Pilipinas na makipagtulungan sa China at iba pang apektadong bansa para matugunan ang worldwide health concern na ito.

“During my discussion with President Rodrigo Duterte last Saturday night on the government’s efforts to address the 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease situation, I recommended to the President to implement a temporary travel ban on travelers coming from any part of China and its Special Administrative Regions, on top of the existing temporary travel ban imposed on those coming from Hubei province and other affected areas,” ani Sen. Go.