-- Advertisements --

Ipinagdasal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabilisang paggaling ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Kasunod ito ng pagbaba niya ng puwesto dahil sa nararanasang karamdaman.

Sinabi ng Pangulo na napakaraming tulong ang naipamahagi ni Abe sa Pilipinas.

Nagkausap umano ang dalawang lider ng bansa sa pamamagitan ng telepono at parehas na hinangad nila ang pagtutulungan para sa kapayapaan sa Asia Pacific.

Magugunitang lumala ang ulcerative colitis ni Abe na siyang dahilan ng tuluyang pagbaba nito sa puwesto.