-- Advertisements --
PRESDUTERTE
President Duterte

Ipinagpaliban na lamang sa Biyernes, Abril 24 dakong 8 a.m. ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay nito ng mensahe sa bayan.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ito ang napagpasyahan ng pangulo matapos ang ginawa nitong pagpupulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 sa Malacanang nitong Huwebes ng gabi.

Nauna ng inanunsiyo ng Malacanang na isasagawa ng pangulo ang pagbibigay nito ng mensahe nitong Huwebes ng gabi.

Ilan sa inaasahang iaanunsiyo ng pangulo ay kung palalawigin pa ang ipinapatupad na enhanced community quarantine na nakatakdang magtapos hanggang Abril 30.