-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakatalaga sa mga bagong opisyal ng Commission on Elections (Comelec).

Nitong Marso 8 nang ianunsiyo nito ang pagkakatalaga kay Saidamen Balt Pangarungan bilang Comelec chairman habang ang bagong commissioners ay kinabibilangan naman nina Atty. George Garcia at Atty. Aimee Torrefranca-Neri.

Sa naging panayam ni Pastor Apollo-Quboloy, sinabi ng pangulo na si Pangarungan ay isang mabuting abogado na isang Maranao.

Marami na aniya itong dinaanan sa gobyerno kaya nararapat siya sa puwesto.

Bago kasi maitalaga sa Comelec ay pinamunuan ni Pangarungan ang National Commission on Muslim Filipinos.

Habang si Garcia ay dating election lawyer kung saan naging kliyente niya sina presidential candidate Mayor Isko Moreno at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kung saan sinabi pa ng pangulo na tila isang neutral choice ito dahil siya ang naging abogado ng namayapang si dating speaker Prospero Nograles.

Habang si Torrefranca-Neri ay humawak ng ilang posisyon sa gabinete ni Pangulong Duterte.